Verse
Ilang beses man na tayo’y nagtagpo
Ang pag-ibig ko, wala na sa piling mo
Dumaan na ang araw na ako’y bilanggo
Nakalaya na ang pusong ngayon lang sumuko
Chorus
Damdamin
Puso sayo’y umaamin
Huli man ako
Pag-ingatin
Mahal ko’y ikaw parin
Verse2
Ilang luha man sa aki’y tumulo
Kahit anong ayos, wala ring nagbago
Dumaan na ang oras, lumipas ang wakas
Aking pahimakas, harapin ang bukas
Chorus
Damdamin
Puso sayo’y umaamin
Huli man ako
Pag-ingatin
Mahal ko’y ikaw parin (2x)
Bridge
Ngunit ang puso ko ngayo’y aalis
Ang makapiling ka’y hanggang hiling
Chorus
Damdamin
Puso sayo’y umaamin
Huli man ako
Pag-ingatin
Mahal ko’y ikaw parin (2x)
Sa ganang akin,
Kunin ng tala ang aking
awitin na sa iyo’y
umaaming
ika’y minahal ko rin
Outro
Ngunit ang puso ko ngayo’y aalis
Ang makasama ka’y hanggang hiling
O, heto ang puso ko ngayo’y aalis
At ika’y mananatiling isang hiling